Wednesday, May 24, 2006
ano pa?
o sige na nga, jep.
sa tingin ko kasama ako sa ti-nag mo. i-assume ko na lang. sabagay, wala ako maisulat sa blog. pwede na to siguro. pandagdag lamang. pagkamot sa libog ko na magsulat.
eto ang panuto sa ingles: "
name ten (10) of life's simple pleasures that you like the most, then pick ten (10) people to do the same. try to be original and creative and not to use things that someone else has already used."
- tumakbo sa utak ni Kafka
- sumisid sa karagatan ni Julie Delpy (huwag lang i-translate ng literal at baka kung anong malisya pa ang isipin)
- kumain ng kumain. basta pizza at kape. yung cinnamon dolce latte o toffee nut latte. starbucks ha?
- magsulat. ng kahit ano. basta sa ikaliligaya ko.
- mangodak.
- manood ng mga dvd. pwede na rin dibidi. magastos nga lang. pero luho ko yun.
- humarap sa computer at mag-internet. hindi games. na-outgrow ko na yun ng kaunti.
- playstation. i-contradict ko yung nilahad ko sa ibabaw. minsan isa yun sa pantagal ng init ng ulo.
-
bumming. matagal ko ng gawain to. hindi ako nagsasawa.
- makipaglaro kay tutay at melo. at kay sas. hehe.
kayo naman. hindi ko na kailangan banggitin pa yung mga itatag ko. alam nyo na kung sino kayo...
Friday, May 19, 2006
ay-ro-ni
napapansin ko lang.
bakit kaya?
ganun tayong mga pilipino. sanay tayong magsalita ng filipino pero hirap tayong magsulat pag tagalog na. mas nanaisin pa natin na ilahad na lang ito sa ingles kaysa gamitin ang sariling wika.
bakit ganun? >irony ika nga.
Tuesday, May 16, 2006
may bagong mac...
syet.
sana naghintay ako. isang buwan lang. siyet talaga.
kakapalit ko lang ng bagong Apple PowerBook. nagwaldas ako ng pera upang mapawi ang uhaw ko sa bagong notebook. nawala kasi yung luma. ninakaw.
nawalan ako ng computer. may desktop nga ngunit hindi ganun ang lakas ng pull tulad ng pangungulila ko sa isang laptop. kaya hayun. pinalitan ang nawala. kailangan eh. hindi dahil kailangan yun sa hanapbuhay ko pero kailangan kasi yun ng pagkatao ko. para bang sex. para bang yung mga aklat na binabasa ko. para bang pamilya. nakatali sa akin.
nabuhay ako sa panahon na maraming bagay ang pinapatakbo ng teknolohiya. marahil isang dahilan kung bakit ako nakasandal dun. hindi ako makasulat kung hindi sa computer. naglaho na ang papel at ballpen sa akin. unti-unti nang nabura sa bokabularyo ko yun. maski typewriter. madaya ako eh. kelangan ko minsan ng
thesaurus function ng MS Word upang makalikha ako ng isang maikling kwento. ganun ako. ayan ang sikreto. binulgar ko na.
naglabas nga ng bagong
laptop ang Apple. maganda. sayang. halos katulad ng nabili ko pero luma na yung bagong laptop ko. modelo na ipphase-out na.
saka na lang. maghihintay muna ako.
Monday, May 15, 2006
taga-ilog ako
susubukan kong magsulat ng tagalog.
masyado na ako sa ingles. sa labas. sa loob ng bahay. sa mga binabasang aklat. sa pinapalabas sa telebisyon. puro ingles. at wala pa kaming TFC, kaya nadaragdagan ang aking pagnanais na makarinig at makapanood ng kahit anong palabas na nagmumula sa Pinas. ang hirap pala ng ganun.
at isa pa. naimpluwensiyahan yata ako ni
Dodo. ngunit subok lang to. titignan ko lamang kung marunong pa akong magsulat ng tagalog.
try lang. mga ilang posts din. magdagdag pa ako ng litrato namin sa universal studios nung nakaraang linggo kung kakayanin pa.
hikayatin ko nga si
Rommel. hehe.