<

Tuesday, May 16, 2006

may bagong mac...

syet.

sana naghintay ako. isang buwan lang. siyet talaga.

kakapalit ko lang ng bagong Apple PowerBook. nagwaldas ako ng pera upang mapawi ang uhaw ko sa bagong notebook. nawala kasi yung luma. ninakaw.

nawalan ako ng computer. may desktop nga ngunit hindi ganun ang lakas ng pull tulad ng pangungulila ko sa isang laptop. kaya hayun. pinalitan ang nawala. kailangan eh. hindi dahil kailangan yun sa hanapbuhay ko pero kailangan kasi yun ng pagkatao ko. para bang sex. para bang yung mga aklat na binabasa ko. para bang pamilya. nakatali sa akin.

nabuhay ako sa panahon na maraming bagay ang pinapatakbo ng teknolohiya. marahil isang dahilan kung bakit ako nakasandal dun. hindi ako makasulat kung hindi sa computer. naglaho na ang papel at ballpen sa akin. unti-unti nang nabura sa bokabularyo ko yun. maski typewriter. madaya ako eh. kelangan ko minsan ng thesaurus function ng MS Word upang makalikha ako ng isang maikling kwento. ganun ako. ayan ang sikreto. binulgar ko na.

naglabas nga ng bagong laptop ang Apple. maganda. sayang. halos katulad ng nabili ko pero luma na yung bagong laptop ko. modelo na ipphase-out na.



saka na lang. maghihintay muna ako.

latest musing of Etchie at 22:16

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

My Photo
Name:
Location: Orlando, Florida

Eccentric. Frivolous. Flexible. Tempestuous. Hyperactive. Thinker. Wanderer. Couch Potato. Lethargic. Insensitive. Repressive. Vain.

creative common license

No Smoking Joint

Listed on Blogwise

Powered by Blogger


Subscribe !