Monday, May 15, 2006
taga-ilog ako
susubukan kong magsulat ng tagalog.
masyado na ako sa ingles. sa labas. sa loob ng bahay. sa mga binabasang aklat. sa pinapalabas sa telebisyon. puro ingles. at wala pa kaming TFC, kaya nadaragdagan ang aking pagnanais na makarinig at makapanood ng kahit anong palabas na nagmumula sa Pinas. ang hirap pala ng ganun.
at isa pa. naimpluwensiyahan yata ako ni
Dodo. ngunit subok lang to. titignan ko lamang kung marunong pa akong magsulat ng tagalog.
try lang. mga ilang posts din. magdagdag pa ako ng litrato namin sa universal studios nung nakaraang linggo kung kakayanin pa.
hikayatin ko nga si
Rommel. hehe.
2 Comments:
-
dodo dayao said...
Sulat lang ng sulat,pre.
Di ba mas OK kung mahusay ka magsulat ng Tagslog at Ingles?
Pinoy na Ellroy - - - astig! :)
4:50 AM
-
Etchie said...
hehe.
mahirap ang purong tagalog. tag-lish pwede pa. hehe.
11:57 AM
<< Home